Wednesday, January 13, 2016

Read: John Lloyd Cruz's full statement at the second MMFF congress meeting

Actor John Lloyd Cruz appeared in Congress today for the the second day of a hearing investigating the controversy surrounding the recent Metro Manila Film Festival. 

Cruz is the lead actor and co-producer of Honor Thy Father, which was disqualified at the last minute from the festival's Best Picture race of the festival.

He read a statement which explained why he and the rest of the HTF cast and crew are so adamant about investigating the MMFF and setting things right.

"Nandito ako dahil mahal ko ang pelikulang Pilipino. Mahal ko siya dahil minahal din niya ako nang sobra sobra. Binigyan niya ako ng maraming magagandang karanasan," he said. "Hindi ito maliit na bagay. Hindi ito ka-showbizan lang. Importante itong nangyayari dito ngayon. Ang prosesong ito."

Here is the complete text of his statement.
 

Magandang hapon po. Ako si John Lloyd Cruz. Nandito ako dahil mahal ko ang pelikulang Pilipino. Mahal ko siya dahil minahal din niya ako nang sobra sobra. Binigyan niya ako ng maraming magagandang karanasan. Mayroong, nung bata ako, hindi ako nakatulog sa sobrang takot na baka may tiyanak rin sa kuwarto ko gaya dun sa napanood kong sine.

Hindi ko rin makakalimutan nung una akong umiyak sa loob ng sinehan. Niyakap ko ang nanay ko, kasi ayaw kong mahiwalay sa kanya.

Napakarami pang emosyon, tawa, kaba, kilig, galit ang naramdaman ko sa panonood ng sine. Napakaraming bagay ang natuntunan ko. Ang buhay ng mga santo, ang kasaysayan ng Pilipinas, ang buhay ng mga bayani natin — at kung papa’no sila manligaw. Kung paano ipaglaban ang mga pangarap mo. At kung paano maging mabuting tao.

Sigurado ako, hindi ako nag-iisang fan ng Pinoy movies. Fan ng hindi lang isang klase ng pelikula. Kung gaano karami ang iba’t ibang karansan natin sa buhay, sana ganu’n din karami ang iba’t ibang klase ng pelikula.

Kaya hindi ito maliit na bagay. Hindi ito ka-showbizan lang. Importante itong nangyayari dito ngayon. Ang prosesong ito. Maraming naguguluhan, nasasaktan, nagagalit, siguro napipikon na rin, at nalulungkot sa mga nangyayaring ito. Dalawang bagay ang pwedeng mangyari. Magkawatak-watak ang industriya at magsiraan, o maging daan ito para makita natin na pag nagkaisa tayo, mababago at mapapalakas natin ang industriya.

Una, may malaking opportunity to develop an audience for local films. Ang dami nang mga Pinoy films ang nagtagumpay sa takilya na hindi inaasahan at noong una ay tinanggal pa nga sa sinehan at biglang binalik na lang dahil sa word of mouth na nagparami ng mga taong gustong manood. Andyan ang Heneral Luna, Ang Babae sa Septic Tank, Zombadings, Kimmy Dora, at iba pa. Ang Norte ni Lav Diaz, apat na oras pero halos lahat ng screenings, sold out.

Ang punto ko lang ay: hindi kaya may malaking potential na maaring nawawala kapag hindi natin binibigyan ng espasyo ang iba’t ibang klase ng pelikula sa mga sinehan natin? Hindi naman buong taon mapupuno ng Hollywood films ang ating mga sinehan. Kung mas maraming manonood ng local films, parehong kikita ang mga producers at mga sinehan. This is a win-win situation. Audience development means more and better films will be produced, means sustainable income for theater operators.

Pangalawa, pagkakataon ito para magkaroon ng reporma sa MMFF. Ngayon napakainit ng issue na ito. Sana naman pagdating ng May at June, kung kailan pinipili ang mga susunod na entries ay may mga konkretong pagbabago na. Nang sa gayon, ang MMFF ay pagmulan ng inspirasyon sa halip sa pagdududa at kahihiyan.

Pangatlo, pagsasabatas ng mga reporma. Wag sanang masayang ang pagkakataong ito na maguslat ng mga batas sa ikabubuti ng industriya. Suportahan sana ng ibang Congressman at ng Senado ang mga Congressman na pumunta dito at nagmalasakit sa atin. Pero malaking homework din para sa atin ito sa industriya. Maglaan tayo ng oras para magsulat ng mga position paper, makipag-usap sa mga Congressman, mangulit, makibalita, at makialam.

Kasi sa ating lahat ang pelikulang Pilipino. Tayo ito. Ito ang mga kwento natin, ng buhay natin, ng pinanggalingan natin at pupuntahan natin. Ito ang pinagsama-sama nating mga takot, galit, tuwa, lungkot, at pag-asa. Sino pa ba ang magkukuwento ng mga kwento natin kundi tayo rin?

Oo, marami tayong di pagkakaunawaan. Pero sigurado ako na gaya ko, andito rin kayo dahil mahal niyo ang pelikulang Pilipino. At kung may natutunan ako sa dinami-dami ng ginawa kong romantic movies, ‘yun ay: Ang mahal mo, ipaglalaban mo.

Saturday, December 19, 2015

Something to watch for!!

Catch Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz tomorrow guys! Plus superb performance of Ashboo and The Voice kids. 

Keep on voting guys!!

Myx Daily Top Ten
myx.com